Friday, August 31, 2007

DZMM Interview wiith NDF Chief Negotiator Luis Jalandoni, Rep Satur Ocampo and Secretary Raul Gonzales

Pagdakip kay Sison umani ng iba't ibang reaksyon

Umani ng iba't ibang reaksyon ang ginawang pag-aresto ng pamahalaan ng bansang Dutch sa founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison. Sa magkasunod na panayam ng Umagang Kay Ganda nitong Miyerkoles sinabi ni Luis Jalandoni, chief negotiator ng National Democratic Front (NDF) na pakana ng pamahalaang Arroyo ang nasabing pagkakaaresto. Naniniwala naman si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na makakaapekto sa usapang pangkapayapaan ang nangyari kay Sison. Dumipensa naman ang pamahalaang Arroyo sa pamamagitan ni National Security Adviser Norberto Gonzales na nagsabing walang kinalaman ang pamahalaan sa ginawang pag-aresto.

Luis Jalandoni, chief negotiator NDF

Pwede bang malaman nasaan na ngayon si [Jose Maria "Joma" Sison]?

Si Joma ngayon ay nasa Scheveningen malapit sa The Hague sa isang police detention center at siya ay pinuntahan ng kanyang abugado at bukas ay pupuntahan ulit ng kanyang abugado at sa Friday ay ihaharap siya sa isang judge na magde-decide kung siya ay papalayain na o i-detain pa while the investigation is going on.

Ibig sabihin ko ngayon ay walang batayan at trumped up itong mga charges against Joma.

Iyong Philippine Supreme Court nga noong July 2 ay binasura na ang mga ebidensiya daw na ibinigay ng GRP (Government of the Republic of the Philippines) laban kay Joma at saka iba pang co-accused nya. Kaya itong trumped up charges ay isang pagbira sa rights ni Joma at saka kasama dito iyong pag-pressure ng European Union at saka British ambassador na nagsalita at saka iyong US at saka iyong Arroyo regime na pressuring NDF na pumasok sa peace talks under the terms of capitulation or surrender na gusto ng Arroyo regime. Kaya isang passive act galing din sa Arroyo regime din ito ngayon na kinokondena ng NDF ng mahigpit.

Bakit ngayon lang naaresto si Jose Maria Sison kung iisipin natin ay 2003 pa ng patayin si Romulo Kintanar at 2004 si Arturo Tabara at dalawang taon na din po na nasa Netherlands si Joma po?

Oo, kaya kuwan iyan masasabi natin na old charges na ito trumped up iyong mga supposed evidence ay binasura ng Philippine Supreme Court noong July 2, e bakit ngayon lang.

Ang isang posibilidad dahil iyong European Court of Justice ay gumawa ng desisyon in favor of Joma na tanggalin siya sa European list of terrorists at saka iyong pressure na sinabi ni Javier Solana at ng British ambassador na dapat iyong peace talks ay pasukan ng NDF under the terms ng Arroyo government meaning capitulation.

Kaya nakikita namin ito na pag-persecute kay Joma ay isang hakbang din para i-pressure iyong NDF na mag-capitulate of surrender na ayaw naman ng NDF kaya ngayon ay kinatika itong passive action galing sa Arroyo regime with the cooperation ng European Union at saka ng Dutch government.

So, sinasabi niyo na may kinalaman ang pamahalaang Pilipinas sa pagkadakip kay Joma?

Siyempre. Kasi itong trumped up at fault charges nandiyan na.

Iyong binasura nga ng Philippine Supreme Court iyong mga trumped up charges na ginawa doon sa Hilongos, Leyte at iba pang mga trumped up charges matagal ng pino-persecute si Joma ng Arroyo regime at gustong gusto na ma-persecute si Joma at ma-pressure ang NDF na pumasok sa peace negotiation under the term of capitulation na gusto ng Arroyo regime at saka ng US.

Kayo din po ay hinuli din ng mga pulis sa lugar na iyan?

Hindi naman ako hinuli kung hindi kasama ko si Joma pagpunta sa police station. Kasi parang nagkaroon ng pandaraya iyong pulis sinabi na gustong kausapin si Joma dahil mayroong mga bagong development doon sa threat sa kanya pagkatapos pala siya ay kinuha at ayaw nang payagan ang kanyang abugado na sumama sa kanya.

Nandoon din ako at in-interogate ako doon ng mga one hour doon sa isang kuwarto pagkatapos ay wala na.

Pero ni-raid din iyong bahay namin at saka iyong NDF office at iba pang mga lugar dito sa Utrecht at ito ay pakita din na iyong collaboration ng Dutch government with the European Union at saka US at saka with the Arroyo regime po.

May tsansa bang makalaya itong si Joma sa pakikipag-usap niya sa abugado?

Iyong abugado ay pupunta doon bukas at saka sa Friday ay ihaharap sa judge ng korte at doon titignan kung talagang walang basis itong charges.

Kung makikita ng judge na walang basis ay palalayain na si Joma sa Biyernes pero kung nandiyan ang pressure from the US and other European country ay may posibilidad na ituloy nila iyong persecution pero haharap din sila sa malaking protesta at demonstrasyon diyan sa Pilipinas, sa Hong Kong sa US sa Canada sa Australia sa iba't ibang lugar sa Belgium magkakaroon ng demonstrasyon na umpisa bukas sa pagprotesta dito sa pag-persecute dito kay kasamang Joma Sison.

*** Secretary Norberto Gonzales, National Security Adviser and Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ***

Nilakad ba ng gobyerno ang pagpapahuli kay Joma Sison?

Gonzales:

Well lagi namang gobyerno natin ang pinagdududahan sa ganyang bagay bagamat tayo ay natutuwa sa nangyayari sa Netherlands iyan ay kilos ng gobyerno ng Netherlands.

Sa tagal-tagal niya sa Netherlands bakit po Secretary ngayon lang siya nadakip? Hindi ba siya ay nabansagan din bilang terorista?

Gonzales:

Alam mo iyong kaso niya tungkol sa terorismo ay ipino-protesta niya iyan sa Human Rights Commission yata ang tawag doon ng EU kaya hindi naaksyunan ng husto iyan dahil sa may proseso din na pinagdadaanan iyan.

Pero itong bagong kaso niya ay kaso ng murder.

Ang gobyerno ba ng Pilipinas ang nag-feed ng information para maasunto siya doon sa husgado ng the Netherlands?

Gonzales:

Ang pagkakaalam ko diyan iyong mga pamilya ng biktima ang nag-file ng kaso sa the Netherlands at ito ay inimbistigahan ng Dutch government.

So ang ating naging way diyan ay pumupunta dito ang ibang, iyong sa kanilang prosecution at humihingi ng tulong sa, kunwari iyong mga pulis na pumupunta dito humihingi ng tulong sa pulis natin through the Interpol.

Iyon ang nagiging role ng ating gobyerno kapag hinihingi ang tulong natin ibinibigay natin.

Rep. Ocampo, bakit po nagrereklamo ang inyong grupo at Bayan Muna sa pagkakaaresto kay Joma gayung mayroon naman palang kaso ito iyong pagpatay kay Tabara at Kintanar?

Ocampo:

Ang naging reaksyon ng kasama ko si Teodoro Casiño ay kaugnay ng papel ni Joma Sison sa peace negotiation at iyon iyong pino-pokusan na kabahagi ng attempt ng gobyerno na i-scuttle iyong peace talks.

Ang unang tingin namin ay ginawa ito para tuluyan nang hindi magpatuloy ang peace talks.

Ang lumalabas ngayon hindi ito political crime at walang extradition treaty kung kaya para sabihin sa termino ng militar at saka gobyerno dito i-neutralize si Sison ay naghanap sila ng butas sa Dutch law para siya ay kasuhan at usigin doon sa Netherlands.

Kung bakit ngayon lang po ano po ang nakikita niyong dahilan?

Ocampo:

Mahirap mag-speculate ngayon hanggang hindi natin nakukuha ng kabuuan iyong kaso laban sa kanya pero dahil nag-spring iyan dito nakapagtataka 'yong sinabi ni Secretary Gonzales na ang pamilya daw ang nag-habla doon.

Katakataka kung nag-habla sila dapat ay na-notify iyong inihahabla pero mukhang walang ganoon, biglaan lang ang pag-aresto sa kanya.

Paano ito makakaapekto sa peace talks?

Ocampo:

Well definitely dahil sa may papel, may major na papel bilang political consultant si Jose Maria Sison ay lalo itong makakabalam.

Kung ang balak man iyong mga attempt ngayon nai-resume iyong peace negotiations so kailangan malaman ngayon gaano kabigat itong kinakaso pwede bang mag-piyansa si Joma Sison, makakapagpapatuloy ba iyong papel niya doon sa peace negotiation o hindi na, iyon ang magde-determine kung magpapatuloy o hindi pa iyong peace talks.

Secretary Gonzales, ano ang reaksyon niyo doon sa posibleng pagkabalam ng resumption ng peace talks?

Gonzales:

I think ang pinakamabuti dito ay huwag nating gawing excuse iyong peace talks kasi usaping hustisya ang pinag-uusapan sa nangyari kay Joma Sison murder ang kaso ni Joma.

At saka iyong mga speculations huwag nating isisingit dito, alam mo very reliable ang justice system ng Netherlands iyan ay magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon magkakaroon ng trial, irespeto natin iyan hintayin natin ang resulta.

Iyong peace process ay ibang usapan iyan malinaw ang batayan ng peace process at iyon ay iyong mga huling mensahe na nakuha namin sa NDF ay tinignan namin at ang gobyerno naman ay malinaw din ang posisyon - kailangan ay secession of hostilities muna bago tayo mag-usap.

Hindi kaya mag-backfire ito sa gobyerno at lalo pang lumakas ang 'ika nga ay recruitment ng kilusang komunista dahil parang ang dating ay nagigipit po si Joma?

Gonzales:

Alam mo hindi natin pag-usapan kung may backfire iyon o wala kasi hindi naman inisyatiba ng gobyerno natin ito, inisyatiba ito ng pamilya ng mga biktima ng murder at ng Dutch government.

Ang sinasabi ko lang totoo tumutulong ang gobyerno kasi hinihingi ang tulong natin.

Iyan ay natural sa relasyon ng mga bansa na kung may usaping pulisiya o krimen ang isang bansa na demokratiko at pumupunta dito sa atin dahil nanghihingi ng tulong para maiayos nila ang kanilang kaso ay tutulungan natin iyan in the same manner na tutulungan tayo kung may kaso tayo doon.

Ito wala ang gobyerno dito. Ang nagde-determine ng takbo ng kaso na ito ay ang Dutch government.

Kayo ba ay kikilos para mapauwi dito sa Pilipinas si Joma at mapanagot din sa iba pang kasong inaakusa sa kanya ng gobyerno?

Gonzales:

Well titingnan nating mabuti iyan. Kasi ang gabinete nga ay nag-uusap kagabi tungkol sa amnestiya.

Iyan ay tinitignan nating mabuti ano ang implikasyon niyan ngayon kay Joma Sison pag-uusapan natin.

Ang pinakamagandang dapat gawin dito kasi sa tingin namin ay hintayin natin ang resulta ng nangyayari sa Netherlands.

Rep. Ocampo hindi po ba mas makakabuti naman na harapin ni Joma ang mga kaso? Kung maaari ay umuwi dito sa Pilipinas, tulad po niyo nasa mainstream kayo at kinikilala bilang legal naman ang kilusang komunista sa bansa?

Ocampo:

Well nasa kanyang pagpapasya iyon at saka iyong nangyari ngayon ay hindi naman niya maigigiit na umuwi. Haharapin niya ang kaso na iyan.

Ang pinagtataka lang namin kung tama iyong sinabi ni Secretary Gonzales na iyong pamilya ng biktima ang naghabla doon. Posible bang mangyari iyon na walang pakialam ang Philippine government. Alamin natin ang fact sa susunod.

Ang concern lang namin ngayon kung may ebidensiya sila sa pag-aresto kay Joma Sison bakit niraid pa nila ang ilang bahay doon.

Ang panawagan na lang ngayon ay tiyakin na iyong karapatan ni Jose Maria Sison bilang akusado ay maigagalang.

abs-cbnNEWS.com

No comments: