Suspek Sa Pagnanakaw, Sinikmuraan Ng Sundalo
Thursday, 06 September 2007
Kasama ang magulang at kapatid, sumadya sa himpilan ng Radyo Natin Guimba si Fernando Rufino alyas “Kirat”, 20, residente ng Barangay Cabaruan, Guimba upang ipabatid ang pananakti sa kanya ng 2 sundalo ng 71st IB na nakabase sa detachment ng militar sa Barangay San Roque noong Martes ng maka-pananghali, September 4, 2007.
Si Fernan” kasama ang nagngangalang Tet Pagaling ay pinaghihinalaang nagnakaw ng “water pump” na nakapwesto sa gitna ng bukid ng Cabaruan. Ang naturang water pump ay ginagamit ng isang nagngangalang Victor Pagaling, residente rin ng nabanggit na Barangay at namomorsyentuhan sa bukid.
Nawala umano ang “waterpump” noon pang Agosto 13, 2007at may nakakita kina Fernan at Tet na nagawi sa bukid isang araw bago ang insedente. Hindi naman itinatanggi ng binata na napadaan siya sa nababanggit na bukid dahil noong araw na iyon umano ay niyaya siya ni Tet na manguha ng suso.
Dahil dito, noong Agosto 20, 2007 ay ipinatawag ni Kapitan Benito Meligrito ang binata kasama ang ina nito sa isang pakikipagharap kay G. Pagaling at sa pag-uusap ay hindi napatunayan na ninakaw ni Fernnan ang nawawalang “water pump”.
Ngunit paglipas ng ilang araw, noong September 4 ay pinapunta uli si Fernan sa Barangay Hall kung saan ay naabutan doon ang 2 nakasibilyang sundalo, kasama si Kapitan Meligrito at ang 2 kasamahan nito na sina Konsehal Bal-ot at BDS chairman Ramonito Garcia.
Reklamo naman ni Aling Feliciana, ina ni Fernan, ang alam nya ay na-ayos na ang problema sa unang pagharap nila sa Barangay at bakit hindi man lamang ipinaalam sa kaniya bilang magulang nang dalhin ang kaniyang anak sa isang detachment ng militar.
Ayon naman sa mga ka-anak ng binata, kung napatunayang nagkasala si Fernan ay ikulong ito sa halip na saktan ng mga sundalo.

No comments:
Post a Comment